Nanumpa na at lumagda sa Roll of Attorneys ang mga pumasa sa 2022 Bar examinations nitong Martes, Mayo 2, sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City.

Nagsimula ang oathtaking ng 3,992 Bar passers dakong 10:00 ng umaga.

BASAHIN: 43.47% examinees, pasado sa 2022 Bar Exams!

Ang panunumpa ay pangungunahan ni Czar Matthew Gerard Torres Dayday ng Unibersidad ng Pilipinas (UP), na siyang naging topnotcher sa nasabing pagsusulit matapos makakuha ng 88.8083% score.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Bukod kay Dayday, mula rin sa UP ang apat nakakuha ng pinakamataas na rating.

BASAHIN: UP Law graduates, nasungkit ang top 5 sa 2022 Bar exams

Si SC Justice Alfredo Benjamin Caguioa ang siyang tagapangulo ng 2022 Bar examinations committee.

Ipinaalala naman ng SC na simula sa 2022 Bar passers, tinaasan ng SC ang Bar admission fee mula ₱3,500 hanggang ₱5,000 upang mabayaran umano ang napipintong pagdagsa ng mga gastusin sa pagsasagawa ng exam, partikular ang halaga ng venue para sa oathtaking at roll signing, mga seremonya, at iba pang gastusin sa logistic, pati na rin ang allowance ng concerned personnel.

Samantala, isasagawa umano ng SC ang 2023 Bar examinations, online, sa loob lamang ng tatlong araw sa Setyembre 17, 20, at 24, gayundin sa iba't ibang testing centers sa buong bansa. Magkakaroon lamang umano ito ng anim na core subjects sa halip na walo.

“Commercials Law and Taxation Law have been conjoined to the close affinity between these two fields in legal practice, while Remedial Law and Legal and Judicial Ethics with Practical Exercises were fused together as these subjects complement each other in actual practice,” saad ni SC Associate Justice Ramon Paul Hernando, chairperson ng 2023 Bar examinations committee.