Usap-usapan ngayon ang pasabog na tsika ng tinaguriang "Pambansang Lalaking Marites" na si Xian Gaza tungkol sa ex-husband ni Cristine Reyes.

Matatandaang lumikha ng ingay ang pasabog ng aktor na si Marco Gumabao hinggil sa pag-level up ng relasyon nila ni Cristine.

Pasabog ni Gaza sa unang araw ng Mayo, "So eto na nga ang chesmes mga Mars! Three days after mag-out ni Cristine Reyes at Marco Gumabao, ang ex-husband (na kumita ng milyones sa annulment at may tatlong panganay na hindi sinusustentuhan) ay may pa-couple tattoo with her present girlfriend! Hahaha! Ang sweat nemen! Sene ell!"

"Ang analysis ng Mosang Supreme Council of the Philippines (MSCP) — isa lamang itong defense mechanism upang hindi maapakan ang kanyang ego at hindi siya tawaging loser dahil 'di hamak na mas pogi ang ipinalit sa kanya na si Baby Marco!"

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

"Ang nasabing 3-time world champion sa hindi pagsusustento ay mayroong 20 years old na anak sa Estados Unidos na hindi niya sinuportahan mula pagkapanganak," ani Gaza.

Screengrab mula sa FB ni Xian Gaza

Ang ex-husband ni Cristine at ama ng kaniyang anak ay walang iba kundi si Ali Khatibi.

Noong nakaraang buwan ay muling nag-reunite sina Cristine at Ali bilang "co-parents" sa anak nilang si Amarah.

2019 nang umugong ang balitang hiwalay na ang mag-asawa, batay na rin sa kumpirmasyon ng ate ni Cristine na si Ara Mina.

Wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Ali tungkol dito.