Nilinaw ng dating Pinoy Big Brother winner na si Lie Reposposa na hindi pa sila engaged ng foreign boyfriend na si Paul Joshua Marsden, taliwas sa mga naunang nabalita tungkol dito.

Ayon kay Lie sa morning talk show na "Magandang Buhay," hindi engagement ring ang ibinigay sa kaniya ni Paul kundi "promise ring."

"Yung nangyari po kasi roon parang nag-assure siya sa akin na 'I want you to be my future wife, gano'n. Parang 'Okay lang ba sa'yo?'" kuwento ni Lie.

Isang "Yes of course" daw ang naging tugon ni Lie. Agad daw ipinasok ni Paul ang promise ring sa kaniyang daliri, at nang ipinost niya sa social media, inakala raw ng mga tao na engagement na nga iyon.

Engaged na si Lie at afam na jowa, pinagsabihan ng netizens: 'Babata n'yo pa!'

Umani pa ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens. May mga naging masaya para sa kaniya habang marami ang nagsabing masyado pa siyang bagets para pumasok sa isang relasyon gaya ng pag-aasawa in the near future.

Agad daw na binura ni Lie ang kaniyang IG post dahil nga namisinterpret ito ng mga tao.

"Namisinterpret ng mga tao, kaya dinelete ko po yung post… kasi promise ring," paglilinaw ni Lie.