Kinalugdan ng mga netizen ang isang ginang na sari-sari store owner mula sa Cebu City dahil sa kaniyang libreng snacks sa unang 20 estudyanteng pupunta sa kaniyang tindahan at ipakikitang naka-perfect score sila sa kanilang pagsusulit.
Ayon sa Facebook post ng kaniyang anak na si "Jessiel Ivy Gedoria," kilalang-kilala ang kaniyang inang si "Livy Gedoria" sa kanilang lugar dahil sa malasakit nito sa mga estudyante. "Nanay" ang tawag nila sa kanila. Madalas daw siyang magbigay ng libreng snacks sa mga estudyanteng nagugutom at walang dalang baon sa paaralan.
Dahil dito, kagaya ng isang guro ay lagi raw nakakatanggap ng sweet morning greetings ang kaniyang ina mula sa mga estudyante.
"Mama is not a teacher, but she receives sweet morning greetings from students every day. She's not their mother, but she treats them like a child of her own. She gives snacks for free to those who are hungry but have no pennies in their pockets. She treats them kindly and asks them if they have taken their breakfast or lunch," aniya sa FB post.
Bukod dito, lagi raw may pangaral at "moral support" si Aling Livy sa mga estudyanteng ito, lalo na sa kanilang pag-aaral.
"They call her 'Nanay' and as a mother who wishes the best for her children, she motivates them to do their best, especially in their studies. Whenever they visit our mini snack store, she would remind them to behave, listen to their teacher, study well, and be good students."
"Just yesterday, when their exam results are out, she started a new 'gimmick' to motivate her suking estudyante. The first 20 perfect exam scorers get a free snack from Nanay Livy!"
Nagmistula raw itong motibasyon sa mga estudyante upang mas pag-igihan pa ang kanilang pagsagot ng pagsusulit.
"I saw that gigil in them kay lage na perfect sila or gamay na lang kulang para ma-perfect."
"Those who got perfect scores went to the store, with their test papers, to claim their free snack," aniya.
"Great job mama Livy Gedoria for doing that to reward the students who got perfect scores and of course for giving that kind of motivation (BF Skinner is proud)."
"Congratulations students for finishing your exam with good marks! With or without a free snack ni Nanay, always give your best shot."
Si B.F. Skinner ay kilalang American psychologist na proponent ng theory of learning tungkol sa operant conditioning at schedules of reinforcement na nakatutulong sa pagtatamo ng pagkatuto.
---
Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!