Anim na lugar sa Pilipinas ang nakapagtala ng "mapanganib" na heat index nitong Linggo, Abril 30, ibinunyag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Ang maalinsangang kondisyon ng panahon ay patuloy na namamayani sa karamihang bahagi ng bansa kasunod ng pagsisimula ng mainit at tagtuyot nitong Marso. Ang state weather bureau, noong Linggo, ay nagsabi sa gitna ng lagay ng panahon na ito, anim na lugar sa bansa ang nagtala ng peligrosong heat index.

Ang mga lugar na ito ay Catarman, Northern Samar (44°C); Baler, Aurora (42°C); Clark Airport, Pampanga (43°C); Dagupan City, Pangasinan (44°C); Masbate City, Masbate (43°C); at NAIA Pasay City, Metro Manila (43°C).

Ang heat index ay tumutukoy sa "apparent temperature" na nakikita ng mga tao. Ang mga indeks ng init sa pagitan ng 42°C at 51°C ay itinuturing na mapanganib dahil maaari itong maging sanhi ng mga sakit na nauugnay sa init gaya ng heat stroke.

Impeachment case ni VP Sara, maaari pang madagdagan?

Ang pinakahuling forecast ng PAGASA ay nagpakita na ang heat index sa Science Garden, Quezon City ay maaaring pumalo sa 43°C sa Mayo 1, 2023.

Charlie Mae F. Abarca