Arestado ng mga operatiba ng Cubao Police Station (PS-7) ang assistant manager ng kilalang fast food restaurant sa Quezon City, nang kulimbatin umano nito ang P100,000 halaga ng kita.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD), Director, PBGEN Nicolas D Torre III Torre, ang nadakip na si Mary Grace Belarmino Perfiñan, 35, manager at head cashier ng Mang Inasal SM Cubao branch, at residente ng Brgy. San Isidro, Rodriguez, Rizal.

Batay sa report ngmay-ari ng Mang Inasal SM Cubao Branch na si Shiela Atienza sa PS-7, bandang 1:30 ng hapon nitong April 29, 2023, araw ng Sabado nang madiskubre sa audit report ng sales na nawawalan ito ng P100,000 cash.

Lumitaw sa imbestigasyon na tanging si Perfiñan na assistant manager at head ng cashier ng naturang kainan ang in-charge sa sales ng food store sa loob ng halos 12 taon.

National

Painting ni Amorsolo sa private museum sa NegOcc, ninakaw!

Dahil dito, agad inireklamo ng may-ari ng restoran sanaturang himpilan ng pulisya ang suspek at agad siyang inaresto noon din ng mga pulis.

Inihanda na ang kasong theft laban kay Perfinan na nakapiit ngayon sa detention cell ng PS-7.

Jun Fabon