Walang tumama sa jackpot prize para sa Ultra Lotto 6/58 at Super Lotto 6/49 sa evening draw ng Philippine Charity Sweepstakes Offices (PCSO) nitong Linggo, Abril 30.

Ang winning numbers para sa Ultra Lotto ay 10 - 31 - 41 - 55 - 15 - 12 para sa jackpot na nagkakahalaga ng P89,504,361.60.

Sinabi ng PCSO na pitong mananaya ang nanalo ng ikalawang premyo na nagkakahalaga ng P120,000 at 537 na mananaya ang nakakuha ng ikatlong premyo na nagkakahalaga ng P2,000.

Ang Ultra Lotto ay binubola tuwing Martes, Biyernes, at Linggo sa ganap na 9 p.m.

Eleksyon

COC Filing Day 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

Samantala, ang masuwerteng digit para sa Super Lotto ay 08 - 30 - 07 - 47 - 04 - 40 para sa jackpot na nagkakahalaga ng P15,840,000.

Labinlimang mananaya naman ang nanalo sa ikalawang premyo na nagkakahalaga ng P50,000 at 908 na manlalaro ang nakakuha ng ikatlong premyo na nagkakahalaga ng P1,200.

Ang Super Lotto ay binubola tuwing Martes, Huwebes, at Linggo sa ganap na 9 p.m.

Luisa Kabato