Pinutakti ng mga netizen ang food vlogger na si "Laine Bernardo" matapos niyang bigyan ng bad review ang isang ₱85-buffet restaurant, dahil wala raw longganisa rito.

Nag-react ang mga netizen sa sinabi ni Bernardo o tinatawag na "Longganisa Girl" na hindi raw sulit sa naturang buffet resto dahil walang makikitang longganisa rito at hindi raw worth it dayuhin.

Pawang mga isda, gulay, at dried fish kasi ang mga pagkaing nakahain sa healthy breakfast buffet.

Matapos tila gawing "longganisa" ng mga tao si Bernardo ay humingi na siya ng paumanhin sa kaniyang mga nasabi.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“Alam ko na nagkamali talaga ako at na-disappoint ko ang ilan sa inyo. Ako ay personal nang humingi ng paumanhin at pasensya sa owner ng Emriz noong na-realize ko ‘yung pagkakamali ko,” aniya.

Nagsilbing-aral kay Bernardo ang mga nangyari at nagpasalamat sa kaniyang followers dahil sa pagtatama sa kaniya.

“Kung wala ‘yung mga viewers ko, walang Laine Bernardo. Napakahalaga no'n sa’kin lahat, mapa-viewers ko, ‘yung mga small business na bina-vlog ko, kaya patuloy kong gagawin lahat para mas lalong mapaganda at mapabuti ‘yung mga videos na gagawin ko. Hindi ko na ulit hahayaang mangyari to, lesson learned sa akin ‘to," aniya sa TikTok.