Nanawagan si AGRI Party-list Rep. Wilbert Lee sa pamahalaan nitong Linggo, Abril 30, na tutukan ang sektor ng agrikultura upang mapabuti umano ang kalidad ng pamumuhay ng mga magsasaka at mangingisda na nananatiling pinakamahirap na sektor sa Pilipinas.

Sa inilabas na datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) noong Marso, nagkaroon ng pinakamataas na poverty incidence rate na 30.6% ang mga mangingisda, habang pumangalawa naman ang mga magsasaka na may 30% noong 2021.

BASAHIN: Mangingisda, magsasaka, nananatiling pinakamahirap sa ‘Pinas – PSA

Ayon kay Lee, kinakailangan ng agarang aksyon sa pagpapauntlad ng agrikultura upang matulungang bumuti ang estado ng buhay ng mga magsasaka at mangingisda.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

"Maraming kailangang gawin upang maayos ang agrikultura. But all these measures point to one thing—that the government needs to continue investing heavily to make the sector vibrant," saad ni Lee.

Binigyang-diin din ng kongresista na kailangang tandaan ng bawat isa na “nakakabit ang pag-unlad ng bansa sa agrikultura”.

"We have to show that we are undertaking serious and sincere efforts to improve agriculture, so that the youth will not see it as a 'dead-end job'," ani Lee.