Nanalo ng tig-isang house and lot ang limang benepisyaryo ng government assistance matapos mabunot ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang pangalan ng mga ito sa ginanap na raffle sa SMX Convention Center sa Pasay City nitong Linggo kaugnay sa pagdiriwang ng Labor Day sa bansa.

Kabilang sa mga nanalo sina Cipriano Basalio, Ana Lara, May Justine Villarin, Heda Villada, at Deborah Romero, pawang benepisyaryo ng iba't ibang assistance packages ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Ibinigay na rin sa mga nanalo ang tig-iisang symbolic key ng house and lot.

Ang limang nanalo ay kabilang sa 20,165 na kuwalipikadong benepisyaryo ng tulong ng pamahalaan.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Paliwanag naman ng DOLE, tampok lamang ang nasabing raffle sa Labor Day celebration na pinangasiwaan ng ahensya.