Hinikayat ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang publiko na magtungo na sa pinakamalapit na lotto outlets sa kanilang lugar at tumaya na sa paborito nilang lotto games.

Batay sa jackpot estimates ng PCSO, aabot na sa higit 87.5 milyon ang jackpot prize ng UltraLotto 6/58 na maaari nilang mapanalunan sa lotto draws, na isasagawa ngayong alas-9:00 ng gabi, Linggo, Abril 30.

Samantala, ang jackpot prize naman ng SuperLotto 6/49 ay nananatili pa rin sa ₱15.8 milyon.

Una nang sinabi ni PCSO Vice Chairperson at General Manager Melquiades Robles na walang talo sa pagtaya sa lotto, dahil sa halagang ₱20 lang ay may pagkakataong nang maging lotto millionaire, at nakatulong pa sa mga kababayan nating nangangailangan.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Ang UltraLotto 6/58 ay binobola tuwing Martes, Biyernes at Linggo habang ang SuperLotto 6/49 ay may draw naman tuwing Martes, Huwebes at Linggo.