Usap-usapan ngayon sa pageant community ang inilarawang isa sa mga “frontrunner” ng Binibining Pilipinas 2023, ang pambato ng Zambales at pageant veteran na si Anita Rose Gomez.

Partikular na ikinawiwindang ng marami ang pamatay na 19-inches na bewang ng pageant veteran.

Human-Interest

Resbak ng inuutangan matapos sabihang mayabang, winner sa netizens

Maraming napa-wow at ilan din ang nagpahayag ng pagkabahala sa tila doll-like na umanong katawan ng Binibini 21.

Matatandaang una na rin natampok sa Balita si Anita Roze noong Oktubre 2022 matapos mag-viral ang mga larawan sa ilan ding online pageant pages noon.

Basahin: Pinay pageant veteran na 20-inch lang ang bewang, ikinaloka ng netizens – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Dating Miss Earth Philippines 2021 candidate si Anita Rose. Dagdag din sa kaniyang mga tagumpay ang mga titulong Miss Sibit-Sibit Indiano 2019, Miss LK Olangapo 2019, bukod sa iba pa.

Ngayong taon, susubukang masungkit ng Zambaleñapageant veteran ang isa sa mga korona sa Bb. Pilipinas kabilang ang Bb. Pilipinas International, Bb. Pilipinas Globe, at Bb. Pilipinas Intercontinental.

Sa Mayo 28 gaganapin ang ika-59 grand coronation ng Bb. Pilipinas.