Walang habas na hate comment ang sinagot ng US-based online personality na si Mama Lulu matapos taningan na siya ng isang netizen sabay hirit na kumain na ito ng “healthy food.”

Talak kasi ng intrimitidang internet user sa isang cooking vlog, dapat umanong gulay ang chinichibog ni Mama Lulu.

National

Nag-iisang examinee, pasado sa SPLE for Environmental Planner

“Eat healthy food! Gulay po. Mamatay kayo [nang] maaga! Diyos ko! Short Life! Taba niyo po!” mababasang komento ng netizen kay Mama Lulu.

Sa isang Facebook post nitong Sabado, Abril 29 ay sinagot na ng online star ang unsolicited comment.

“Almost 70 [years old] na ‘ko. Mahina sa Mat[h] EEDJIOT na ‘to. Too long na nga eh!” sey niya kalakip ang iconic niyang linyahan.

Depensa rin ng kaniyang anak sa comment section: “Mas concerned pa yung iba than don sa doctor niya. Alam lahat habit isang cooking video lang. Ano gusto vegan tuyo luto ni Mommy? Vigan longganisa lang po alam niya! 😂

Hindi ito ang unang beses na sinupalpal ng pamilya ng TikTok star ang ilang netizen na tanging ang kaniyang body weight lang ang nakikita sa nakakaaliw na mga content nila online.

Noong Pebrero, sinagot na rin ni Mama Lulu ang parehong concern.

“Matagal nang isyu ‘yan, 20 years old pa ako, 65 [years-old] na ako ngayon,” aniya lang sa isyu ng marami.

Basahin: ‘Mind your own taba!’: Online star Mama Lulu may sagot sa netizens na nais siyang patigilin kumain – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Si Mama Lulu ng kilalang content creator na “Otakoyakisoba” ay patok online dahil sa kanilang maiikling reel at relatable content na hinaluan ng Pinoy wit online.