Walang pinalad na manalo sa milyun-milyong papremyo ng Grand Lotto 6/55 at Lotto 6/42 na binola ngPhilippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Sabado, Abril 29.

Hindi nahulaan ang winning combination ng 6/55 na53 - 17 - 37 - 13 - 23 - 04 na may premyong P43,376,439.

Wala ring nanalo sa 6/42 na may lucky numbers na1 - 27 - 24 - 20 - 08 - 13 at may kaakibat naP18,825,922.80.

Binobola ang Grand Lotto 6/55 tuwing Lunes, Miyerkules, at Sabado habang ang Lotto 6/42 naman ay kada Martes, Huwebes, at Sabado.

Eleksyon

COC Filing Day 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5