Nanawagan si P3PWD Party-list nominee Rowena Guanzon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na gawin nang primary ID ang persons with disability (PWD) IDs at senior citizen IDs upang matulungan umano ang mga kababayang magpa-open account sa mga bangko.
“To Bangko Sentral: please make PWD ID a primary ID for opening bank accounts, same as seniors' ID,” saad ni Guanzon sa kaniyang Twitter post nitong Biyernes, Abril 28.
Maraming mga Pilipino umano ang nahihirapang magpa-open ng account sa bangko dahil sa mga requirement tulad ng valid IDs.
Ang P3PWD o Komunidad ng Pamilya Pasyente at Persons with Disabilities, ay isang party-list na humingi ng representasyon sa House of Representatives noong Mayo 2022 na national elections, kung saan nakakuha ito ng sapat na boto para sa isang puwesto sa Kamara.