Isang nakakakilig na mensahe ang inihanda ni Pauleen Luna sa asawa nitong si Vic Sotto na nagdiriwang ng ika-69 kaarawan.

Isang video ang inupload ni Pauleen sa kaniyang Instagram account kalakip ang mensahe nito kay Sotto.

Aniya, hindi lamang sa kanilang pamilya biyaya kung maituturing si Sotto ngunit maging sa ibang tao rin.

"To my soulmate, you are God’s gift to me and to so many people. I hope that you continue to make the people around you happy. Thank you for sharing your love to all of us," ani Pauleen.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

"My heart still beats fast for you, my love. My one and only, happy happy birthday. I love you, forever!"

Nagpahayag din ng pagbati ang iba't ibang personalidad sa nasabing post ni Pauleen.

Kabilang na rito sina Ryan Agoncillo, Rochelle Pangilinan, Danica Pingris, Miles Ocampo, MJ Lastimosa, Ryzza Mae Dizon, Aiai Delas Alas, at iba pa.