Good vibes ang naging hatid ng post ng barberong si Sonny Bernardino, 27, mula sa Bulacan, tampok ang kunyari niyang paggugupit sa kaniyang asong feel na feel daw na mag-ala customer niya.

“Medyo maselan customer ko ngayon anubayan 😂😂.” caption ni Bernardino sa kaniyang post sa Facebook group na ‘ASPIN LOVERS PHILIPPINES’.

Sa panayam ng Balita, ibinahagi ni Bernardino na katatapos lamang niyang maggupit ng kaniyang customer nang makita raw nila ang kaniyang 5-year old na asong si “Balong”.

“Nung naupo na siya sa barber chair, para ho syang tao din, tumitingin sa salamin tsaka sa nagpipic sa kaniya,” kuwento ni Bernardino.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Sa ngayon ay umabot na sa mahigit 2,600 reactions, 127 comments, at 140 shares ang naturang post ni Bernardino.

Narito naman ang kwelang komento ng ilang netizens:

“Ayusin nyu po.. hindi po yan manununtok pero nangangagat, oo.. kapag panget ang cut nyu. hahaha”

“Wag ka talaga mag palpak..koya kung ayaw mo po matagal sa work..hahaha😆😅😄😃🤣😂😁😀✌🙈.”

“So adorable!❤️ Ayusin nyo daw po at my date xa mmya 😂😅.”

“Dapat daw Pawgi siya, sir 🥰.. Punta sya dun sa nililigawan niya 😘. Kyuttt 💕💕.”

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa amingFacebookatTwitter!