Maganda raw ang ginagawa ng aktres na si Iza Calzado na hindi raw ipinagdadamot ang baby pictures ng anak sa publiko, ayon kay Manay Lolit Solis.

"Alam mo Salve maganda iyon ginagawa ni Iza Calzado Wintle na share niya ang mga photos ng anak niya sa public. Iyon hindi niya ipinagdamot sa mga followers niya na makita ang unti unting paglaki ng anak," sey ni Lolit sa kaniyang Instagram post nitong Huwebes, Abril 27.

Ganoon din daw ang ginagawa nina Luis Manzano at Jessy Mendiola sa kanilang anak na si Baby Peanut. Hindi raw katulad ng ibang mga stars na parang ipinagdadamot daw ang pictures ng anak nila.

"Ganuon din sila Lucky Manzano at Jessy Mendiola. Kasi nga hindi tulad ng ibang stars na parang ipinagdadamot ang mga photos ng anak nila, sila Iza at Luis natutuwa sa pagpapakita ng mga anak nila," ani Manay.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

"alagay ko dapat lang dahil sa dami ng followers nila na nagmamahal sa kanila, gusto din ng public na nakikita ang paglaki ng mga anak ng celebrity na kanilang hinahangaan. Iyon bang lumalaki sila under their eyes," dagdag pa niya.

Para anak na raw ng bayan kasi ang mga batang celebrity.

"Gaya ng pagmamahal nila sa mga anak nila Dingdong Dantes at Marian Rivera na sila Zia at Sixto. Parang anak ng bayan ang mga batang celebrity. Natutuwa sila makita kahit lang sa mga litrato lang. Future idols din kasi mga anak ng celebrities. At tiyak na sa kanilang paglaki parang feeling ng bayan part sila sa pagpapalaki sa mga ito. Ganyan pag anak ka ng mga popular na parents. Bata pa lang, celebrity ka na. Bongga."

Matatandaang ipinanganak ni Iza ang panganay niyang si Deia Amihan Wintle noong Enero 26.