Nanawagan ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa China nitong Biyernes, Abril 28, na igalang nito ang mga karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea matapos harangin ng isang Chinese vessel ang isang Philippine vessel sa Ayungin Shoal.

"We again call on China to respect the Philippines' rights over the West Philippine Sea, as provided by UNCLOS (United Nations Convention on the Law of the Sea), and refrain from actions that may cause an untoward incident," pahayag ni DFA spokesperson Ma. Teresita Daza.

Sinabi ito ni Daza matapos harangin ng mas malaking Chinese Coast Guard vessel ang Philippine Coast Guard (PCG) vessel sa paligid ng Ayungin Shoal, na matatagpuan sa internationally-recognized Philippine waters.

Magbanggaan na sana umano ang dalawang sasakyang pandagat kung hindi napahinto ng commanding officer ng PCG vessel ang kaniyang barko.

National

Ex-Pres. Duterte sa mga kriminal sa Davao City: ‘Find another place!’

“China Coast Guard vessel No. 5201 came within 50 yards of the BRP Malapascua, blocking the latter’s path and exposing the Philippine vessels’ crew to serious danger," ani Daza.

Binaggit din niya ang kapareho umanong insidente na nangyari noong Abril 19 sa pagitan ng CCG 5201 at 4202 ng China laban sa BRP Malapascua ng Pilipinas patungo sa Ayungin Shoal.

"First of all, I would like to emphasize that the Philippines has the legal right to carry out routine maritime patrols in our territorial waters and EEZ (exclusive economic zone). The deployment of the BRP Malabrigo and BRP Malapascua in the West Philippine Sea from April 18 to 24 was one such mission," ani Daza.

Matatandaang kamakailan lamang ay nagpulong sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Chinese Foreign Minister Qin Gang sa Malacañang at napagkasunduan umano nilang paiigtingin pa ang komunikasyon ng Pilipinas at China para maresolba ang mga isyu sa West Philippine Sea.

BASAHIN: PBBM: ‘Mas paiigtingin ang komunikayon sa China para maresolba ang isyu sa WPS’