Ipade-deport na ng Bureau of Immigration (BI) ang dalawang wanted na Koreano na matapos silang maaresto sa Cavite kamakailan.

Sinabi ni BI Commissioner Norman Tansingco, kabilang sa ipatatapon sa kanilang bansa sina Bae Byungchan, 37, at Kim Ji Yong, 35.

Aniya, sangkot umano si Bae sa kasong fraud at miyembro ito ng voice phishing syndicate sa South Korea at nakapanloko ng 60 milyong won o katumbas ng US$195,000 sa mga naging biktima nito.

Nahaharap naman si Kim sa kasong drunk driving at pamemeke ng private document kaya naglabas ng w warrant of arrest ang Jeonju district court.

National

PhilHealth, pumalag sa mga alegasyon; <b>₱138M hindi raw para sa Christmas party</b>

Sabay na inaresto ang dalawa sa Imus, Cavite nitong Abril 25.

“They will be deported to Korea as soon as our board of commissioners issues the order for their summary deportation. They will also be placed on our blacklist and banned from re-entering the country,” ayon pa sa opisyal ng BI.