Nilinaw ng OPM icon at singer-songwriter na si Ogie Alcasid na hindi siya ang online seller na nagbebenta ng underwear na nangangakong lalaki ng 4cm ang "pututoy" ng male customers na bibili rito.

Ayon sa Instagram post ni Ogie, makikitang ang pangalan ng fake account ay "Ogie Alcasid, Jr." at ginamit pa ang mga litrato nila ng misis na si Asia's Songbird Regine Velasquez-Alcasid para sa advertisement.

"Morning everyone. I was alerted again by some friends about this fraudulent post. This is not me guys," paglilinaw ni Ogie.

"Guys pls report this person. This really has to stop," request pa ni Ogie sa madlang pipol.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Tawang-tawa naman ang ilang celebrities at kaibigan dahil dito gaya nina Tyang Amy Perez, Darren Espanto, Wendell Ramos, Vina Morales, at si Michael V.

Biro pa ni Bitoy, "Weh… ‘di nga? E ito ‘yung Christmas gift mo sa ‘kin e!"

"Post ko ‘yung video soon," hirit pa ni Michael.

Laughing emoji naman ang tugon dito ni Ogie.