Pinatikim ng mura ni "Daisy Lopez" alyas "Madam Inutz" ang mga nagpapakalat ng fake news na tegi na siya.

Kilala si Madam Inutz sa pagpapakawala ng malulutong na mura habang nagsasagawa ng online selling noong 2020, at iyan nga ang dahilan kung bakit sumikat siya.

Ngayon, pinasok na rin niya ang mundo ng showbiz, matapos na maging celebrity housemate sa loob ng Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 noong 2022, at naging bahagi ng sitcom nina Piolo Pascual at Pia Wurtzbach.

Sa ngayon ay tila hindi na ganoon kaariba ang showbiz career ni Madam Inutz bagama't aktibo pa rin siya sa social media, gayundin sa live selling, hindi na lamang ng mga damit kundi pati ng kaniyang skincare products.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Kaya sa nagsabing patay na raw siya, "SA MGA NAGBABALITANG PATAY NA KO TANG*NA NYO MAUUNA PA KAYO SAKIN ‼️ NAG USAP NA KAMI NI SAN PEDRO KAYO ANG FIRST LIST NYA 😆😆."

Kaya naman, fake news lang ang balitang tegi na si Madam Inutz dahil buhay na buhay siya.