Nalilito na raw ang mga netizen kung ano ba talagang itatawag sa dating Kapamilya star na si Liza Soberano: gusto ba nitong tawagin pa rin sa "Liza" na screen name niya o sa tunay na pangalang "Hope?"

Maaaring nagmula ang kalituhan nang sabihin ng aktres sa kaniyang pinag-usapang vlog na "This is Me" noong Pebrero 26 na tawagin siyang "Hope Soberano" bilang bahagi ng kaniyang rebranding. Nabanggit din niya rito na ang Liza ay ibinigay lamang sa kaniya, at hindi siya ang namili rito.

Pero sa mga sumunod na panayam sa kaniya, sinabi ng aktres na gusto pa rin naman niyang tawagin siyang "Liza Soberano" dahil ito ang nagbigay ng kasikatan at kabuhayan sa kaniya.

Sa panayam ng isang magazine, nilinaw ni Soberano na "na-misunderstood" lamang siya nang sabihin niyang gusto siyang makilala bilang Hope. Aminado rin siyang nagugulat pa siya kapag may tumatawag na sa kaniyang tunay na pangalan.

Liza Soberano, tahasang inaming nasaktan siya sa komento ni Boy Abunda: 'I felt misunderstood by you'

Mas gusto pa rin daw niyang makilala bilang si "Liza."

"It's actually very surprising to me because now, when I go out, people call me Hope. I've been to concerts and stuff and people would scream ‘Hope! Hope!’ I love my name and everything, but now I was like, 'Oh my god, I was so misunderstood.'"

"Like, this is not what I want. I still want to be known as Liza," aniya.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Ano ba talaga, ate? Make your intentions clear kasi."

"Liza o Hope ganun ka pa rin naman…"

"Ganyan talaga mga taong bira nang bira. Misunderstood. Ano gawin mo para di maging mis-understood? Make your intentions clear. Own up your former decisions. You are empowered to be clear, concise in whatever you want to convey. If you remain mum, you can’t blame people for bashing you and just start talking too late. Cry over spilled milk ka Hope. Patay na ang kabayo. Tahol ka pa nang tahol. Be quiet. Then move on sa new life mo…. Bait-baitan ka lang pala."

"Less talk, less mistakes. Just continue what you've started. Don't change the things that are so impossible to happen. Make sense."

"She is so inconsistent with everything."

"Binabawi niya kasi walang kumagat sa bagong name na gusto niya gamitin ang Hope, kaya balik Liza kasi naisip niya Liza ang sikat na name niya."

"Napaka-inconsistent ng statements mo… sana kasi bago ka kumuda, inayos mo muna ang sasabihin mo."