Usap-usapan ang pagtawag ng "banong starlet" ng isang basher kay Kapuso actress Kylie Padilla sa comment section ng isang fan page, matapos lumabas ang tsikang magsasama-sama sila nina Ruru Madrid, Derrick Monasterio, at Enrique Gil sa isang proyekto under GMA Pictures.

Bagama't hindi pa kumpirmado at verified, ang proyektong sinasabing pagsasamahan nilang apat ay isang pelikula raw. To be exact, isang indie film.

Hindi pa nga natitiyak, agad na bumanat ang isang basher na ang "babano" umarte ng mga makakasama ni Enrique Gil, na noong Martes, Abril 25, ay pumirma ng exclusive contract sa ABS-CBN.

Ang salitang "bano" ay nangangahulugang "terrible" o hindi magaling.

Doc Willie Ong, na-touch sa mensahe ni VP Sara sa kaniya

Hindi naman nagpatinag ang fans ni Kylie at ipinagtanggol ang kanilang idolo.

Tinag pa ng basher si Kylie at sinabihang "Masama ba na sabihan kitang banong starlet? Bwahahahaha."

Hindi naman ito inetsa-puwera ni Kylie at kalmado lamang na sinagot.

"Of course you have the right to your opinion," anang Kylie na may white heart emoji pa sa dulo.

Iginiit ni Kylie na siya ay nagtatrabaho lamang, at bahagi ng kaniyang trabaho bilang artista ang mapuna o masita sa kaniyang craft.

"Ako ay nagtatrabaho lamang. Wag n'yo po masyado istressin ang sarili nyo. 😅 all love and peace."

Nagpasalamat naman si Kylie sa kaniyang fans na nagtanggol sa kaniya laban sa bashers at dumurog dito.

"And thanks to everyone who feels like they have to defend me. Luckily I’ve developed a thick skin from showbiz pero naappreciate ko kayo 🤍 each and everyone of you."

https://twitter.com/kylienicolep/status/1650655599074635776