Maayos na nagpaalam at nagpasalamat ang aktres na si Heaven Peralejo sa dating talent management na namamahala sa kaniyang showbiz career, ang Star Magic, matapos niyang pumirma ng kontrata sa Viva Artists Agency bilang bagong artist nila.

Kahit na nilayasan na ang Star Magic, sinabi ni Heaven na "Kapamilya at Heart" pa rin siya. Well, dito rin naman kasi siya nagsimula, bilang housemate ng Pinoy Big Brother hanggang sa magtuloy-tuloy na ang pagpasok sa pag-arte.

"I had been working in the same industry for years, and while I enjoyed my job, I know deep down that I am ready for this change," ani Heaven.

"I wanted to take a moment to express my heartfelt thank you for the time I had with @starmagicphils @abscbn. I’ve had the privilege of working alongside some of the most inspiring professionals in the industry and I will be forever grateful for all the lessons and experiences I gained. I have and will always be a Kapamilya at heart."

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

"To @vivaartistsagency I am truly honored to be welcomed in this family and I’m so excited to grow and work with everyone else. Can't wait to see what this new chapter brings 🤍," giit pa ng aktres.

Ipinakita rin niya ang video clips at litrato ng kaniyang contract signing sa VAA, kasama ang big boss nitong si Vic Del Rosario. Excited na raw ang Viva na gawin pang big star si Heaven kagaya nina Anne Curtis, Cristine Reyes, at iba pa.

Dahil nasa Viva na si Heaven, tanong ng marami ay kung may chance na mapanood siya sa Vivamax? Matatandaang kering-keri na ni Heaven ang sexy scenes na pinakita naman niya sa pelikulang "Nanahimik ang Gabi" na unang pagtatambal nila ni Ian Veneracion, noong 2022 Metro Manila Film Festival.

Well, abangan na lamang ang mga proyektong gagawin ni Heaven sa ilalim ng pamamahala ng Viva.