Nawindang si King of Talk Boy Abunda sa sagot ni Kapuso sexy actress Elle Villanueva nang sumalang ito sa "Fast Talk with Boy Abunda" kasama ang rumored boyfriend na si Kapuso hunk actor Derrick Monasterio.

Naitanong ng King of Talk kina Elle at Derrick kung ano ang gagawin nila kung sakaling nagayuma nila ang isa’t isa.

Banat ni Derrick, ipapalakad niya kay Elle ang mga bayaring buwis sa Bureau of Internal Revenue o BIR.

Si Elle naman, pakakalmahin ang rumored boyfriend dahil masyado raw aktibo at mahilig mag-gym.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“Papakalmahin ko siya. Papag-stay-in ko siya sa kama. Kasi masyado po siyang active eh,” walang kagatol-gatol na sagot ni Elle.

Siyempre, napapitlag naman si Derrick nang marinig ang salitang "kama."

Bagay na inurirat naman ni Boy.

“Kasi palagi po siyang active. Laging nagwo-workout, gusto laging lumalabas ng bahay," ani Elle.

Sundot pa ni Boy, bakit naman sa dami ng bahagi ng bahay, sa kama pa ang naisip ni Elle, bagay na ikinahalakhak nilang tatlo.

Anyway, hindi direktang inamin ng dalawa kung ano na nga ba ang tunay na estado ng kanilang relasyon, ngunit masaya raw sila kung ano ang mayroon sa kanilang dalawa ngayon.

Nagkakilala ang dalawa nang magkasama sa afternoon series na "Return to Paradise."