Kinakiligan at kinaaliwan ng mga netizen ang litrato nina Robi Domingo at nagbabalik-Kapamilyang si Enrique Gil dahil sa tila pang-bromance nilang akto, sa naganap na exclusive contract signing ni Quen sa ABS-CBN nitong Martes, Abril 25.

Si Robi ang nagsilbing event host ng naturang contract signing. Close sina Robi at Quen dahil minsan na silang naging miyembro ng all-male group na Gigger Boys na sumasayaw at nagpapakilig sa musical noontime show na "ASAP."

May caption ang kaniyang Instagram post na "OHA (Kaya Mo Ba 'To?) the movie. ❤️💚💙." May hashtag itong "#QuenBi" na coinage ng kanilang pangalan.

Eleksyon

Matapos manalong alkalde: Kerwin Espinosa, binasa Local Government Code ng PH

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"ANG KYOOOOOOOOTTT!!! Gigger Boys!!!!!"

"CUTIE!!!"

"BROmance!"

"Puwede! Pa-BL naman diyan!"

"Hahaha nice movie!"

Well, why not na gawin ni Enrique ang BL series o movie gayong sinabi niyang handa na siya sa "new path" ng kaniyang showbiz career.