Mariing pinabulaanan ng Department of Health (DOH) nitong Miyerkules ang ulat na ibabalik na ang mandatory use ng face mask sa Metro Manila, kasunod nang pagtaas na naman ng mga naitatalang bagong kaso ng Covid-19.

Sa isang abiso, sinabi ng DOH na ang viral na social media post hinggil sa pagbabalik ng face mask mandate ay mali at walang katotohanan.

Nilinaw rin nito na ang Metro Manila ay mananatiling nasa ilalim ng Alert Level 1, na siyang pinakamababa at most relaxed sa ilalim ng ipinaiiral na Covid-19 alert level system (ALS) ng bansa, hanggang sa Abril 30.

Nangangahulugan anila ito na ang mga restriksiyon sa rehiyon ay mananatiling ‘status quo.’

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

“The Department of Health (DOH) continues to remind the public to be mindful of the information we share and source information from reputable sources such as the official platforms and pages of the Department, other national government agencies and institutions, as well as known news outlets among others,” bahagi ng advisory ng DOH.

“The Department clarifies that the current Alert Level System is still being discussed through the IATF, and the DOH has previously recommended that these alert levels be similar to typhoon warnings and a guidance system in the future,” dagdag pa nito.

“At present, Metro Manila is still under Alert Level 1, which means restrictions remain to be in the status quo,” anang DOH.

Nagpaalala rin ang DOH na ang ALS ay patuloy na nagbibigay ng guidance sa bawat Pinoy sa pamamagitan ng IATF recommendations na ipinadadala sa Office of the President, upang bawat isa ay maprotektahan laban sa Covid-19.

Bilang karagdagan anila, ang mga local government units (LGUs) ay may hurisdiksiyon na i-require ang ilang health protocols sa kanilang komunidad, sa pamamagitan ng mga lokal na ordinansa.