Pangatlong kolaborasyon ng mahigpit na magkaribal na GMA Network at ABS-CBN na mapanood sa "iWantTFC" ang ilang mga TV shows ng Kapuso Network, na mapapanood din sa katunggali nitong GMA Pinoy TV.
Ayon sa ulat, mapapanood na rin sa iWantTFC ang ilan sa mga programa ng GMA Pinoy TV, GMA Life TV, at GMA News TV.
"GMA Network remains true to our vision of enriching the lives of Filipinos with superior entertainment and the responsible, unbiased, and timely delivery of accurate news and information,” pahayag ni GMA Network Senior Vice President for Finance and ICT Ronaldo Mastrili.
“This collaboration with ABS-CBN is another validation of this commitment as we make our world-class content available to a wider audience. At the end of the day, the Filipino viewers — our boss — will greatly benefit from this," dagdag pa niya.
"Our iWantTFC platform is committed to providing the widest spectrum of Filipino content appreciated and enjoyed by our countrymen worldwide. We are delighted to add a slate of live streaming channels and popular shows from GMA to our ever-growing news and entertainment offerings. As the home of Filipino stories, we will continue to give our audience easy access to content they trust us to deliver," pahayag naman ni ABS-CBN International Managing Director Jun Del Rosario.
Mapapanood na ng iWantTFC subscribers sa Asia Pacific, MENA, Europe, at South Pacific/Caribbean Islands ang ilang Kapuso shows gaya ng “Maria Clara at Ibarra,” “Abot Kamay na Pangarap,” “Apoy sa Langit,” “First Yaya,” “The World Between Us,” at iba sa darating na Mayo 1.
Ang unang makasaysayang kolaborasyon ng ABS-CBN at GMA ay naganap noong 2022, matapos sumang-ayon ang magkabilang kampo na mapanood sa GMA ang mga de-kalibre at tumatak na pelikula ng Star Cinema, ang movie outfit ng Kapamilya Network.
BASAHIN:
https://balita.net.ph/2022/04/05/bigatin-mga-pelikula-ng-star-cinema-mapapanuod-na-sa-free-channels-ng-gma/">https://balita.net.ph/2022/04/05/bigatin-mga-pelikula-ng-star-cinema-mapapanuod-na-sa-free-channels-ng-gma/
Sumunod naman ay ang kauna-unahang collaboration series na "Unbreak my Heart" tampok ang Kapamilya at Kapuso stars, ka-collab din ang Viu Philippines.
BASAHIN: https://balita.net.ph/2023/01/23/unbreak-my-heart-gma-abs-cbn-at-viu-sanib-puwersa-sa-isang-collab-project/">https://balita.net.ph/2023/01/23/unbreak-my-heart-gma-abs-cbn-at-viu-sanib-puwersa-sa-isang-collab-project/