World-class Pinoy! Pasok na rin sa semifinals ang tubong-Vancouver Island at dugong Pinoy na si Raymond Salgado sa Canada’s Got Talent.

Ito ang kaniyang anunsyo sa isang Facebook post nitong Miyerkules, Abril 26 habang pinasalamatan ang mga tagasuporta.

Human-Interest

Mahanap kaya? Lalaking hinahanap nawalay na biological parents, usap-usapan

“Hello everyone. I am pleased to announce that I am a semi-finalist on Canada's Got Talent ✨Thank you for everyone who has supported me in this journey so far. This is just the beginning of many amazing things. Can’t wait for you to see what I bring to the semifinals. ✨” mababasa sa kaniyang post.

Maaring masubaybayan ang journey ni Raymond sa Mayo 9 via CityTV kung saan hiniling din nito ang kakailanganing suporta para makapasok ng finale.

Basahin: Wow! Isa pang Pinoy singer, nagpabilib sa Canada’s Got Talent naman – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Unang nagpabilib si Raymond matapos awitin ang ng hit na “Heaven” ni Canadian star Bryan Adams sa preliminary ng kompetisyon kung saan unang napatayo at napapalakpak ang mga audience.

Napahanga rin niya ang mga hurado na si Howie Mendel, Lilly Sigh, Trish Stratus at Kardinal Ofishall na sa huli’y standing ovation din ang naging tugon sa outstanding performance ng Pinoy talent.

Apat na yes ang nakuha ni Raymond na magbibigay sa kaniya ng tiket para sa next round.

Isa namang karangalan para sa 24-anyos na mang-aawit na maging kinatawan ng Filipino-Canadian community sa naturang show.

Kamakailan, kapwa Pinoy-Canadian singer din na si Tyson Venegas ang umaariba sa hiwalay na kompetisyong American Idol.

Basahin: Wow! Pinoy talent Tyson Venegas, pasok na sa Top 12 ng American Idol – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid