Mukhang may humahamon na sa "motivational rice" ni social media personality, motivational speaker, at negosyanteng si Rendon Labador dahil isang grupo ng artists sa lalawigan ng Isabela ang ginawan siya ng rice artwork na may presyong ₱100,000.

Ibinahagi ng artist na si Giovani Garinga, 29, mula sa San Sebastian Ramon, Isabela ang pinaghirapan nilang rice artwork ng kaniyang grupong GTeam/Rice Art Nation.

"BATTLE OF THE MOTIVATED! P100 motivational rice v.s. P100K rice art of the motivated rice artists," ayon sa caption. Ang title ng kanilang rice artwork ay "One Hundred Motivation" na may size na 68cm X 50cm.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Screengrab mula sa FB ni Giovani Garinga

Screengrab mula sa FB ni Giovani Garinga

Ayon sa panayam ng Balita kay Giovani, naisipan nilang gumawa ng rice on canvas sa pamamagitan ng roasted rice, dahil na-motivate sila sa motivational rice ni Rendon. Pito aniya silang nagtulong-tulong upang matapos ang artwork at natapos nila ito sa loob ng tatlong araw.

"Medium po namin and rice sa paggawa ng artwork kaya noong nagviral po yung motivational rice, sakto naghahanap po kami ng next subject, kaya si Rendon na po," aniya.

Intensyon umano nilang makarating ito kay Rendon at hamunin itong bilhin ang kanilang artwork na nagkakahalagang ₱100k.

"This is to challenge Rendon. We purposely priced the artwork x2 the actual price. Gaya po ng ginawa niya sa motivational rice. And we'll see kung bibilhin niya yung artwork namin," aniya.

Ang tanong, kakasa kaya si Rendon sa hamon ng rice artists na ito?

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa amingFacebookatTwitter!