Marami ang kinilig sa Facebook post ng hunk actor na si Marco Gumabao noong Lunes, Abril 24, kung saan flinex niya ang mga litrato nila ni Cristine Reyes, hudyat ng kumpirmasyon sa tunay na namamagitan sa kanilang dalawa.

"You are my home and my adventure all at once," caption ni Marco sa kaniyang Facebook post.

Marco Gumabao tinawag na 'my home' at 'my adventure' si Cristine Reyes

Kalakip nito ang ilang mga litrato nila habang magkasama. Isa sa mga litrato ay makikitang hinalikan ni Marco sa pisngi si Cristine habang sila ay nasa dalampasigan.

Mukhang kumpirmasyon na nga ito ng namamagitan sa kanilang dalawa. Kamakailan lamang ay naging usap-usapan ang madalas nilang pagsasama sa mga lakaran.

Unang sumabog ang tungkol sa kanila nang makita silang magkasama sa Siargao para sa isang bakasyon.

Inamin ni Marco na "no label" ang relasyon nila ni Cristine. Ang mahalaga naman ay masaya at nag-eenjoy sila sa companion ng isa't isa, at okay sila rito.

"Kami ni Cristine, we've worked together since 2015, first teleserye ko kasama ko siya sa Tubig at Langis. And I can say we have formed a relationship, a good solid friendship throughout the years," aniya sa interbyu.

Samantala, bumaha naman ng mga pagbati mula sa kanilang mga kaibigan at netizens ang latest Facebook post ni Marco. May mga nagsasabing bagay naman sila, parehong single, at age doesn't matter talaga pagdating sa love.

Si Cristine ay single mom at 34 anyos habang si Marco naman ay 28.

Kaya naman, binalikan ng netizens ang naging pahayag noon ni Cristine sa uncut interview sa kaniya ni King of Talk Boy Abunda, sa "Tonight with Boy Abunda" noong nasa ABS-CBN pa ito.

Nagkaroon ng portion kung saan magpapakita ng iba't ibang litrato ng aktor kay Cristine at tutukuyin niya kung "Jowa" o "Tropa."

Nang ipakita ang litrato ni Marco, sinabi ni Cristine na magkaibigan lamang sila at bata pa ito.

"Ano ako, cougar?" pabirong hirit ni Cristine.

Ang salitang "cougar" ay isang informal termi na nangangahulugang "an older woman seeking a sexual relationship with a younger man."

Bagay na pabirong ibinahagi naman ng sikat na social media personality na si "Senyora."

"Okay lang 'yan Christine. Mas bata na uso ngayon," sey nito.