Handa raw makinig ang online personality na si Xian Gaza sa mga kaibigang may pinagdadaanan. Aniya, may oras daw siya para sa mga ito.

Sa isang Facebook post noong Lunes, Abril 24, ibinahagi ni Gaza na nakakapanghinang malaman na may mga taong nagsu-suicide. 

Kaya naman binanggit din niya sa nasabing post na handa siyang maglaan ng oras para makinig sa mga kaibigan o kakilala niyang may pinagdadaanan sa buhay.

"May mga nag-suicide nanaman. Sobrang nakakapanghina. May their souls rest in peace. Kung tropa kita o kakilala tapos gulong-gulo ka na sa buhay, 'di malaman ang gagawin, at gusto na lang magpakamatay, chat mo ko. Usap tayo. May oras ako para sayo," saad ni Gaza.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

As of writing, umabot na sa mahigit 48K reactions at 8.4K shares ang naturang post.