“Dapat po mayroon tayong target na paniguraduhin na 100% sa ating mga kabataan ay nag-aaral.”

Ito ang pahayag ni Vice President at Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte sa mga magulang at mga lokal na pamahalaan nitong Lunes, Abril 24.

Tumayong guest of honor ang bise presidente sa pagdiriwang ng ika-23 Pagbana-ag Festival at ika-64 anibersaryo ng Hinoba-an, Negros Occidental.

Sa kaniyang pahayag, binigyang-diin ni Duterte ang kahalagahan ng paggabay sa mga kabataan upang makaiwas umano ang mga ito sa droga at karahasan.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Ikinampanya rin ni Duterte ang kahalagahan ng mga trabaho at negosyo, at "pagkakaisa para sa mapayapang pamumuhay".

Binanggit din ng DepEd secretary ang PagbaBAGo campaign, na nagsusulong aniya ng edukasyon bilang paraan para maresolba ang kahirapan.

“Dala namin sa PagbaBAGo campaign ang importance ng responsible parenthood o pagpaplano ng pamilya dahil karamihan sa mga naghihirap na pamilya maraming anak dahil wala silang access sa kaalaman sa tamang pagpaplano ng pamilya,” aniya.

Unang inilunsad ang nasabing kampanya noong alkalde pa lamang si Duterte sa Davao City.