Good vibes ang hatid sa social media ng dalawang pusang naglalambingan, na ayon sa mga netizen ay maihahalintulad sa isang Pilipina at dayuhan o "afam" na lovers.

Mukhang natagpuan ng stray cat na si Maliyah ang "fur-ever" niya sa Himalayan cat na si Leo, na parehong alaga ng cat lover na si Shey Ybañez na si Leo.

"May isa na namang Pinay ang naka-jackpot sa afam", biro ni Shey sa post, sa Facebook page na "CAT LOVERS PHILIPPINES."

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Screengrab mula sa FB page na Cat Lovers Philippines

Makikitang komportableng-komportable sa isa't isa sina Maliyah at Leo na para talagang magjowa na. Hirit pa ulit ni Shey, mukhang naunahan pa siya ng mga alaga niya na magkaroon ng relasyon.

Sa panayam ng Balita kay Shey, 32, tubong Negros Oriental subalit kasalukuyang nasa Maynila, isinalaysay niya kung paano nagtagpo ang mga landas nina Maliyah at Leo.

"Si Maliyah po is a stray cat, she is girl po. I got her from the street near our house lang, inampon ko na po s'ya since wala naman po nag-aalaga. She’s very small and tiny kitten noong napulot ko po s'ya pero medyo malaki na s'ya ngayon."

"Si Leo my Himalayan pogi cat boy. Actually I have 8 cats po, dalawa po doon may breed, the rest is rescue ko from the streets. Meron din po ako pinapakain sa street kasi I know the feelings na gutom at walang makain."

Dahil single naman siya, bukod sa negosyo ay nasa mga alagang pusa ang kaniyang atensyon.

"I've been single since birth hahaha so, I guess I'm gonna be an old lady in the future with my cats. Since sila naman talaga ang happiness at comfort zone ko."

May mensahe naman si Shey sa lahat ng gaya niyang pet lovers.

"My only advice to everyone is to please be kind to animals like cats. Don't ever hurt them. They only want to live like humans, so please treat them right, and even as part of the family because they also need love and care. Hindi man sila nakakapagsalita but they know exactly how to make us happy and stress reliever for us. 🥹."

Hindi ito ang unang beses na naging viral si Leo at ang kaniyang mga alagang pusa.

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!