Personal na naawa ang batikang showbiz tsika authority na si Cristy Fermin sa body shaming na natanggap ng anak ni Megastar Sharon Cuneta at Gabby Concepcion na si KC Concepcion matapos pintasang mukhang nanay na raw kahit hindi pa man nagkaka-anak at wala pang asawa.

Ibinatay kasi ang pang-ookray sa kaha ng katawan ngayon ni KC. Huwag na raw talagang asahan ng madlang pipol na pang-Vivamax ang katawan ni KC dahil "big bone" talaga ang katawan nito, na nakuha niya sa genes ng kaniyang Mommy Shawie.

"May kalakihan siya, oo. May kalaparan. Pero sapat ba namang tawagin siyang mukha ng nanay? Eh napakagandang nanay nito… hindi naman po talaga siya puwedeng pumayat na puwedeng pang-Vivamax dahil big bone po sila… malalaki ang buto nila kaya hindi talaga papayat nang husto… isa pa, mayroon siyang PCOS…" sey ni Cristy.

Isa pa rito, iginiit din ni Cristy na may PCOS o polycystic ovary syndrome si KC bagay na inamin na nito noon sa isang panayam.

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

"Intindihin po natin na hindi naman po simple ang pinagdaraanan ni KC Concepcion. Kung siya po ay mukhang nanay, aba, gusto na lang maging anak niya dahil pagkaganda-gandang nanay, 'di ba naman?" nasabi na lamang ni Cristy.

Sang-ayon naman dito ang co-hosts ni Cristy na sina Romel Chika at Wendell Alvarez.