Tila may malalim na 'hugot' ang direktor na si Darryl Yap nang tawaging "my home" ni Marco Gumabao si Cristine Reyes.

Nitong Lunes, nagpakilig sa netizens ang recent Facebook post ni Marco, kung saan flinex niya ang mga litrato nila ni Cristine.

“You are my home and my adventure all at once,” caption ni Marco sa kaniyang Facebook post.

Marco Gumabao tinawag na 'my home' at 'my adventure' si Cristine Reyes

Sa nasabing post nag-comment si Darryl, aniya, "Nauna pa magkaHOME 🙄"

Bukod sa nasabing comment, nag-post pa ang direktor sa kaniyang Facebook account.

"Walang Arki, nagkaHOME? edi kayo na," hugot nito.

Matatandaang inirereklamo ng direktor ang arkitekto ng kaniyang ipinapatayong bahay, dahil sa ilang mga “kapalpakan” sa detalye nito, at hanggang ngayon ay hindi pa raw matapos-tapos.

Kaya't siguro ganun na lamang ang hugot ni Darryl sa post ni Marco.