Nakatakda na umanong desisyunan ng Commission on Elections (Comelec) ang bagong sistemang gagamitin para sa Eleksyon 2025.

Ito ang kinumpirma ni Comelec Chairman George Erwin Garcia, sa "MACHRA's Balitaan sa Harbour View" ng Manila City Hall Reporters' Association na idinaos nitong Martes.

Ayon kay Garcia, isasalang sa Comelec special en banc ang naturang usapin nitong Martes ng hapon.

Sinabi pa ng poll chief na nabanggit na dati pa na hindi na gagamitin ang Vote Counting Machines (VCMs) sa 2025 midterm elections at mga susunod na halalan.

National

Gener, patuloy na kumikilos pakanluran sa WPS; 4 lugar sa Luzon, Signal No. 1 pa rin

Ito’y dahil luma na ang mga naturang makina, at kung sakaling patuloy na gagamitin ay baka hindi na maging epektibo pa.

Idinagdag pa ni Garcia na mismong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang nagsabi na dapat nang baguhin ang sistema ng paggamit ng VCMs.

Ikinalugod din naman ni Garcia na mismong si Pangulong Marcos ang nagbigay ng ‘go signal’para maging mas maayos ang pagdaraos ng mga susunod na eleksyon.

Samantala, kinumpirma rin ni Garcia na posibleng maisama na rin nila sa panukalang 2024 budget ng Comelec ang pagbili ng mga bagong makina.

Aniya pa, ang importante sa ngayon ay anuman ang makina na gagamitin ay magdaraos sila ng voter’s education o papaano gagamitin ang mga makina, para na rin mapagkatiwalaan ng publiko ang bagong sistema.