Hinikayat ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang publiko na magtungo na sa pinakamalapit na lotto outlets sa kanilang lugar at tumaya na sa paborito nilang lotto games.

Batay sa jackpot estimates ng PCSO, aabot na sa higit 80 milyon ang jackpot prize ng UltraLotto 6/58 na maaari nilang mapanalunan sa pagbola, na isasagawa ngayong alas-9:00 ng gabi, Martes, Abril 25.

Samantala, ang jackpot prize naman ng SuperLotto 6/49 ay nasa ₱15.8 milyon habang ₱10 milyon naman ang sa Lotto 6/42.

Una nang sinabi ni PCSO Vice Chairperson at General Manager Melquiades Robles na walang talo sa pagtaya sa lotto, dahil sa halagang ₱20 lang ay may pagkakataong nang maging lotto millionaire, at nakatulong pa sa mga kababayan nating nangangailangan.

Eleksyon

COC Filing Day 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

Ang UltraLotto 6/58 ay binobola tuwing Martes, Biyernes at Linggo habang ang SuperLotto 6/49 ay may draw naman tuwing Martes, Huwebes at Linggo at tuwing Martes, Huwebes at Linggo naman ang bola sa Lotto 6/42.