Niyanig ng magnitude 4 na lindol ang probinsya ng Zamboanga del Norte nitong Lunes ng umaga, Abril 24, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan bandang 8:28 ng umaga.

Namataan ang epicenter nito 10 kilometro ang layo sa timog-kanluran ng Sindangan, Zamboanga Del Norte, na may lalim na 21 kilometro.

Naitala ang instrumental intensities sa mga sumusunod na lugar:

Intensity III - Sindangan, ZAMBOANGA DEL NORTE

Intensity I - Dapitan City, at Dipolog City, ZAMBOANGA DEL NORTE; Zamboanga City, ZAMBOANGA DEL SUR

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na mangyayaring aftershocks dahil sa lindol.

Hindi rin naman umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.