“If you want to wait for the last minute, there are repercussions.”

Ito ang pahayag ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla nitong Lunes, Abril 24, matapos niyang paalalahanan ang publikong magparehistro na ng kanilang Subscriber Identity Module (SIM) cards sa gitna ng nalalapit na deadline nito.

Sa ilalim ng Republic Act No. 11934 o ang SIM Registration Act, ang deadline ng pag-register ng mga SIM card ay sa darating nang Miyerkules, Abril 26.

Ayon sa datos ng National Telecommunications Commission (NTC) nitong Linggo, Abril 23, tinatayang 80,372,656 indibidwal na ang nakapagparehistro, ngunit 47.84% lamang umano ito ng kabuuang bilang na 168,016,400 SIM card sa buong bansa.

National

Leni Robredo binisita puntod ng asawa bago tuluyang naghain ng COC sa Naga City

BASAHIN: Mga nagparehistro ng SIM, umabot na sa mahigit 80M — NTC

Sinabi naman ni Remulla na magpupulong ang Gabinete bukas, Martes, Abril 25, upang talakayin ang mga suliranin pagdating sa pagpaparehistro ng SIM.

Binalaan din niya ang mga telecommunication companies na huwag samantalahin ang deadline para sa pagpaparehistro ng SIM.

“Our eyes will be on the telcos not to take undue advantage of this. Marami ‘yang consequences. May mga disappearing load na naman ‘yan. Merong pera na naman sa GCash,” ani Remulla.