Napatay ng Philippine Army ang isang mataas na opisyal ng New People's Army (NPA) sa sagupaan sa Negros Occidental kamakailan.

Kaagad na binawian ng buhay sa pinangyarihan ng engkuwentro si Rogelio Posadas, alyas 'Putin' na secretary of the NPA-regional committee na sumasaklaw sa Negros Island, Cebu, Bohol, at Siquijor, dahil sa mga tama ng bala sa katawan.

Sa ulat ng militar, ang insidente ay naganap sa boundary ng Isabela at Binalbagan sa lalawigan nitong Huwebes.

Ang grupo umano ni Posadas ang nasa likod ng sunud-sunod na pamamaslang, pangongotong, pagdukot at panununog sa rehiyon.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Matatandaang napatay din ang isa pang opisyal ng NPA na si Juanito Magbanua matapos makaengkuwentro ng grupo nito ang tropa ng pamahalaan noong Oktubre 2022.