Nagpakilig sa netizens ang recent Facebook post ng hunk actor na si Marco Gumabao, kung saan flinex niya ang mga litrato nila ni Cristine Reyes.

"You are my home and my adventure all at once," caption ni Marco sa kaniyang Facebook post.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Kalakip nito ang ilang mga litrato nila habang magkasama. Isa sa mga litrato ay makikitang hinalikan ni Marco sa pisngi si Cristine habang sila ay nasa dalampasigan.

Mukhang kumpirmasyon na nga ito ng namamagitan sa kanilang dalawa. Kamakailan lamang ay naging usap-usapan ang madalas nilang pagsasama sa mga lakaran.

Unang sumabog ang tungkol sa kanila nang makita silang magkasama sa Siargao para sa isang bakasyon.

Inamin ni Marco na "no label" ang relasyon nila ni Cristine. Ang mahalaga naman ay masaya at nag-eenjoy sila sa companion ng isa't isa, at okay sila rito.

"Kami ni Cristine, we've worked together since 2015, first teleserye ko kasama ko siya sa Tubig at Langis. And I can say we have formed a relationship, a good solid friendship throughout the years," aniya sa interbyu.

https://balita.net.ph/2023/03/14/marco-gumabao-may-inamin-tungkol-sa-kanila-ni-cristine-reyes/?fbclid=IwAR23bY-g2i-obidN9RVqR8Ge38YRzI7hnZC3HuWcksG9awW7TdrSX5h9KPg

Samantala, bumaha naman ng mga pagbati mula sa kanilang mga kaibigan at netizens ang latest Facebook post ni Marco. May mga nagsasabing bagay naman sila, parehong single, at age doesn't matter talaga pagdating sa love.