Naloka naman ang mga marites sa komento ni Tim Connor sa kaniyang kaibigan at business partner na si Maggie Wilson nang mag-post ito sa Instagram at i-flex ang litrato kung saan nakasuot ito ng armour costume.
Caption ni Maggie, "Wear your tragedies as armour, not as shackles!✨"
Habang marami ang nakapansin at pumuri sa hindi matatawarang alindog ni Maggie, marami naman ang natawa sa komento rito ni Tim.
"Wear a condom before filing an adultery charge," sey nito.
Marami ang naniniwala na ang pinariringgan ni Tim ay ang estranged husband ni Maggie na si Victor Consunji. Hanggang ngayon ay patuloy pa ring pinag-uusapan ang patong-patong na kasong isinampa ni Victor kay Maggie, idagdag pa ang pagbabawal na makapiling nito ang kanilang anak na si Connor.
Kamakailan lamang naging usap-usapan ang litratong ibinahagi ni Rachel Carrasco kasama si Victor at isang baby.
Sa isa pang post, makikita naman ang bonding moments ng tatlo idagdag pa ang anak nina Victor at Maggie na sina Connor.
Nagbigay naman ng reaksiyon si Tim sa post ng isang abogado tungkol sa litrato nina Victor at Rachel.
Makikita sa Instagram story ni Tim ang screengrab ng Facebook post ni Atty. Wilfredo Garrido hinggil dito.
"What is wrong with this photo? Man has a pending criminal suit for adultery against the wife, Maggie Wilson, based on circumstantial evidence only," saad ng abogado sa kaniyang FB post noong Abril 18.
"Yet, this is not incriminating against the man because it does not prove he is 'keeping a mistress in the conjugal dwelling' or 'having sexual intercourse under scandalous circumstances with a woman who is not his wife' under Article 334 of the Revised Penal Code."
"But if it were the wife in a similar pose, holding a child not fathered by her husband, she is in a compromising situation, guilty of adultery."
Komento naman ni Tim, "Marrying in the Philippines, think again ladies..."