Kilig na kilig ang fans sa Instagram post ng aktor na si JM De Guzman, matapos niyang i-flex ang social media personality at aktres na si Donnalyn Bartolome.

Ang tanging inilagay lamang niyang caption dito ay isang emoji na may heart-eyes, at may hashtag na #crush.

View this post on Instagram

A post shared by JM De Guzman (@1migueldeguzman)

'Donnalyn pakigalaw ang baso!' JM De Guzman 'adik' sa isang vlogger-actress?

Nagkomento naman dito ang social media personalities-celebrities na si Zeinab Harake at Jelai Andres na pawang mga kaibigan ni Donnalyn.

"Waaaah crush ko din 'yan! 😍" sey ni Zeinab.

"Ayiee! 😍" kinikilig na komento naman ni Jelai.

Reaksiyon naman ng netizens, sana raw ay magkaroon na ng label ang dalawa.

"Ay lagyan na ng label 'yan…"

"At tinapos na nga po ni anteh donnalyn ang pila…"

"Wala na finlex na yung baby nya ❤️❤️❤️ my heart."

"Lagyan ng label yan!"

"Whaaat? Aynaaa kayo nalang kasi po."

Matatandaang sa media conference ng pelikulang "Adik Sa 'Yo," inamin ni JM na may isang celebrity na matagal na niyang sinusuyo.

Nang tanungin si JM kung vlogger ba ito, ngumiti lamang ang aktor.

Marami ang naniniwalang ang tinutukoy niya ay si Donnalyn dahil sa sweetness na ipinakikita niya para sa dalaga.