Sa tindi ba naman ng init ngayon ay tila kaniya-kaniyang trip na lang ang iba sa atin para ma-enjoy pa rin ang summer season!

Ito ang pinatunayan ng nakakaliw na caught on picture at tila kakaibang pagsi-swimming ng isang lalaki sa Cebu kamakailan.

Sa larawan na kinunan ni Lui ng Cebu, makikita sa larawan ang lalaking babad sa dagat, pero ang twist, bitbit nito ang isang payong sa katubigan.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Ayon sa kaniyang salaysay, noong kasagsagan pa ng Holy Week, partikular noong Abril 7, nakunan ang larawan sa Alcoy, Cebu.

Aniya pa sa Balita, nasa isang resort sila noon nang mapansin ang lalaki sa dagat ng katabing resort.

“Naliligo lang din yan sa katabi naming resort, natuwa ako kaya kinunan ko. Minsan lang ako makakita nang ganyan naliligo at nagpapayong,” ani Lui na aminado ring “sobrang init” noong araw na ‘yon.

Kaniya pang nakakaaliaw na teyorya, baka aniya ay nag-rerejuvenating set ang nakunang turista.

Basahin: Makeup artist sa future brides: ‘Wag gumamit ng rejuvenating set isang linggo bago ang kasal – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Para kay Lui, importante pa rin aniya sa ngayon na umiwas sa tindi ng sikat ng araw sa ngayon lalo pa’t maaaring mabiktima ng heat stroke.

Basahin: Maagang senyales ng heat stroke, paraan ng pagtugon sa medical emergency ayon sa DOH – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Gayunpaman, aminado rin ang Cebu-based netizen na “natuwa lang” siya pero hirap maka-relate sa trip ni ni kuya sa larawan.