Forda relate at aliw ang netizens sa post ni Angelo Jose, 25, mula sa Bulacan, tampok ang bagong disenyo ng lalagyan ng isang ice cream brand kung saan see-through na ito, kaya’t wala na raw malilinlang kapag pinaglagyan ulit ito ng isda.

“Di na tayo malilinlang. Selecta na nag-adjust,” caption ni Angelo sa kaniyang post.

Sa panayam ng Balita, ibinahagi ni Angelo na napadaan siya sa isang convenience store para mag-almusal bago pumasok sa trabaho nang mapansin niya ang ice cream freezer dito.

“Naupo ako sa tabi ng ice cream freezer nang mapansin ko na iba na yung lalagyan nila at kita na ‘yung laman. Pumasok agad sa isip ko yung mga biruan at memes na isda o ulam ang laman ng lalagyan ng ice cream kaya naisip ko agad ipost,” kuwento niya.

Human-Interest

Mahanap kaya? Lalaking hinahanap nawalay na biological parents, usap-usapan

Naisip na raw agad ni Angelo na maraming matatawa sa post niyang iyon dahil maski raw siya ay relate dito. Sa kanilang bahay ay kung hindi raw tilapia, tirang ulam o karne ang laman ng ice cream container nila sa ref.

Sa ngayon ay pumalo na sa mahigit 59,000 reactions at 26,000 shares na ang naturang post ni Angelo.

Komento pa ng super nakaka-relate na netizens:

“Malalaman mo na kung galunggong ang laman aahahahahah.”

“Double dutch tilapia.”

“dati sinangag no hehe saka itlog at hotdog pa.”

“Kita na agad Kong isda Ang laman😂😂.”

“Hindi nyo na ako malilinlang..Kita na ang ginisang munggo nyo..🤣🤣🤣

Ikaw, anong laman ng lalagayan ninyo ng ice cream sa ref?

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa amingFacebookatTwitter!