Magbabawas ng presyo sa produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis sa Martes, Abril 25.

Sa magkakahiwalay na abiso ng Shell, Seaoil, Petro Gazz at Clean Fuel, nasa ₱1.40 rollback sa kada litro ng gasolina habang ₱.70 naman ang bawas presyo sa kada litro ng diesel.

Inihayag din na may bawas na ₱.20 ang kada litro ng kerosene ang Shell at Seaoil.

Ang price adjustment ng Shell, Seaoil at Petro Gazz ay ipatutupad dakong 6:00 ng umaga, habang mauuna namang magpatupad ng rollback ang Cleanfuel dakong 12:01 ng madaling araw.

National

Anna Mae Yu Lamentillo itinalaga bilang Editor in Chief ng LSE International Development Review

Idinagdag pa ng mga oil company na resulta lamang ito ng paggalaw ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.