May sagot ang Kapuso star na si Barbie Forteza kung ano ang pipiliin niya sa dalawang aspeto ng buhay niya: love o career?

Alam naman ng lahat na masaya ang buhay pag-ibig ni Barbie dahil sa kaniyang boyfriend na si Kapuso hunk actor Jak Roberto.

At boom na boom ngayon ang career ni Barbie, lalo na ang tambalan nila ni David Licauco, na talagang umusbong sa hit fantasy-historical drama na "Maria Clara at Ibarra."

Nagsagawa si Barbie ng #AskBarbie sa kaniyang Twitter account.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Isang netizen ang nagtanong sa kaniya, na as of the moment, anong pipiliin niya: pag-ibig o karera?

Wala siyang pinili sa dalawa.

"Sarili," sey ni Barbie.

https://twitter.com/dealwithBARBIE/status/1650087629558542337