Niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ang probinsya ng Agusan del Norte nitong Lunes ng hapon, Abril 24, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan bandang 5:32 ng hapon.

Namataan ang epicenter nito 21 kilometro ang layo sa hilagang-kanluran ng Nasipit, Agusan Del Norte, na may lalim na 35 kilometro.

Naramdamang ang Intensity IV sa Santiago, Jabonga, Magallanes, Buenavista, Remedios Romualdez, City of Cabadbaran, at City of Butuan, AGUSAN DEL NORTE.

Naiulat naman ang Intensity III sa Carmen at Nasipit, AGUSAN DEL NORTE, habang Intensity II naman sa City of Surigao, SURIGAO DEL NORTE.

Samantala, naitala ang instrumental intensities sa mga sumusunod na lugar:

Intensity IV - Cabadbaran City, AGUSAN DEL NORTE

Intensity II - Surigao City, SURIGAO DEL NORTE

Pinag-iingat ng Phivolcs ang mga residente sa posibleng aftershocks.

Hindi naman umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.